Kalahari Zebra has invited you to be his contact.

DeclineAccept
Join MultiplyOpen a Free ShopSign InHelp
MultiplyLogo
SEARCH

Palihang Rogelio Sicat

Home
PALIHANG ROGELIO SIKAT
Apr 24, 2009
PALIHANG ROGELIO SIKAT
(Pambansang Palihan sa Malikhaing Pagsulat)

Ang Palihang Rogelio Sikat ay nasa ikatlong taon na ngayon.

Ipinangalan sa iginagalang na manunulat at gurong Rogelio Sicat, tanging ang palihan ito sa bansa ang nakatuon sa paggamit at paglinang ng Pambansang Wika sa malikhaing pagsulat.

Sa pangunguna ng Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas ng Unibersidad ng Pilipinas, Diliman, sinimulan ito noong Mayo 2008, sa Angono, Rizal. Labinlimang (15) kabataang manunulat ang sinanay sa larangan ng tula, dula, at maikling kuwento.

Ang ikalawang palihang Rogelio Sicat ay ginanap naman sa Palayan, Nueva Ecija noong Mayo 2009.

Sa ikatlong taon ng palihan, labinglimang kabataang manunulat muli ang pipiliin mula sa kompetitibong pagsasala upang makalahok sa limang araw ng intensibong pag-aaral sa malikhaing pagsusulat. Bukas din ang palihan sa mga lokal na manunulat at mga guro sa wika at panitikan bilang mga observer upang makapag-ambag sa paglinang ng lokal na pagsusulat.

Gaganapin ang Ikatlong palihang Rogelio Sicat sa Baler, Aurora mula Abril 28 - Mayo 2.

Posted by palihangRogelioSicat on Mar 12, '10 11:31 PM for everyone

Ikatlong Palihang Rogelio Sicat:
DFPP 2010 Pambansang Palihan sa Malikhaing Pagsulat

 

Petsa: 28 Abril – 2 Mayo 2010

Lugar: Baler, Aurora

 

Kwalipikasyon: Bukas sa lahat ng nagsisimulang manunulat sa wikang Filipino; sa alin mang anyo: tula, maikling kuwento o maikling kuwentong pambata.

 

Mga Kakailanganin:

1.      Akda (12 points, doble-espasyo, 8x11) ng alin man sa mga sumusunod:

- limang (5) tula; o

- dalawang (2) maikling kuwento (10 - 20 pahina kada kuwento); o  

- dalawang (2) maikling kuwentong pambata (5-7 pahina kada 

  kuwento).

2.      Maikling tala sa sarili.

3.      Larawan (2x2, may kulay).

4.      Application Form (tignan ang naka-attach).

 

Tutustusan ng palihan ang lahat ng gastusin mula UP Diliman hanggang sa pagdarausan ng palihan. Gayon din, pagkakalooban ng modest stipend ang lahat ng mapipiling kalahok.

 

Ipadala lamang ang mga kakailanganin sa email na palihangrogeliosicat@yahoo.com.ph nang hindi lalampas ng ika-9 Abril 2010. Maaari ring magpadala ng mga katanungan sa email na ito.

 

Attachment: aplikasyon%20form%20para%20sa%20palihan[1].doc

Posted by palihangRogelioSicat on Mar 12, '10 11:06 PM for everyone
Pakibuksan ang attachment para sa Application Form
Attachment: aplikasyon%20form%20para%20sa%20palihan[1].doc

Posted by palihangRogelioSicat on Mar 12, '10 11:00 PM for everyone

Ikatlong Palihang Rogelio Sicat:
DFPP 2010 Pambansang Palihan sa Malikhaing Pagsulat

 

Petsa: 28 Abril – 2 Mayo 2010

Lugar: Baler, Aurora

 

Kwalipikasyon: Bukas sa lahat ng nagsisimulang manunulat sa wikang Filipino; sa alin mang anyo: tula, maikling kuwento o maikling kuwentong pambata.

 

Mga Kakailanganin:

1.      Akda (12 points, doble-espasyo, 8x11) ng alin man sa mga sumusunod:

- limang (5) tula; o

- dalawang (2) maikling kuwento (10 - 20 pahina kada kuwento); o  

- dalawang (2) maikling kuwentong pambata (5-7 pahina kada 

  kuwento).

2.      Maikling tala sa sarili.

3.      Larawan (2x2, may kulay).

4.      Application Form (tignan ang naka-attach).

 

Tutustusan ng palihan ang lahat ng gastusin mula UP Diliman hanggang sa pagdarausan ng palihan. Gayon din, pagkakalooban ng modest stipend ang lahat ng mapipiling kalahok.

 

Ipadala lamang ang mga kakailanganin sa email na palihangrogeliosicat@yahoo.com.ph nang hindi lalampas ng ika-9 Abril 2010. Maaari ring magpadala ng mga katanungan sa email na ito.


Posted by palihangRogelioSicat on Jun 6, '09 7:08 PM for everyone

Sa Mga Kalahok na Manunulat sa Ikalawang Palihang Rogelio Sicat

Upang lalo pang mapagbuti ang ating paliahan, bukas ang blog na ito para sa inyong mga pananaw hinggil sa nakaraang karanasan sa palihan.

Paki-post lang po ang kahit anong obserbasyon.

Salamat po


Posted by palihangRogelioSicat on Jun 6, '09 7:00 PM for everyone
ddd
dThumbnaild
ddd
27-31 Mayo 2009; Palayan City, Nueva Ecija

2009 fellolws:

TULA : Paul Joseph Corpuz Belisario (UP Diliman/Valenzuela City); Soleil Erika C. Manzano (UP Diliman/Bulacan); Walther Neil L. Hontiveros (Ateneo de Manila University/Quezon City); Harold John C. Fiesta (UP Diliman/Manila); Christian Tablazon (UP Diliman/Tarlac City); Colleen S. Gadon (De La Salle University/Muntinlupa); Princess F. Marasigan (UP Diliman/Quezon City); Patrick Noah R. Bautista (UP Diliman/Cavite)
KUWENTO: Mar Anthony Simon Dela Cruz (UP Diliman); Sierra Mae Paraan (UP Diliman); Patrick Lawrence Alzona (UP Diliman/Quezon City); Romeo Peña (Polytechnic University of the Philippines Sta. Mesa); Jerome T. Co (UP Diliman)
DULA: Anna Levita T. Macapugay (UP Diliman/Bulacan); at Marco Antonio Rodas (Enverga University/Lucena).

Posted by palihangRogelioSicat on May 22, '09 10:59 AM for everyone

 

 

Pamumunuan nina Gob. Aurelio Umali at Pambansang Alagad ng Sining Bienvenido Lumbera ang pagkakaloob ng Gawad Dangal ng Nueva Ecija  kay Rogelio Sicat (1940-1997), iginagalang na kwentista, nobelista at mandudula.

 

Gaganapin ang parangal kay Sicat kaalinsabay sa pagbubukas ng Ikalawang Palihang Rogelio Sicat ng Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas, Unibersidad ng Pilipinas, sa Palayan City sa 27-31 ng Mayo.

 

Ayon kay Gob. Umali, ang pagpaparangal kay Sicat “ ay upang itampok kung paano ang isang karaniwang Novo Ecijano na nagpunyagi ay may maiaambag hindi lamang sa kanyang lalawigan, higit pa, para sa kanyang bansa.

 

Si Sicat ay magsasaka at mangingisda sa San Leonardo, Nueva Ecija bago  kinikilala bilang isa sa haligi ng panitikan at naging guro at dekano sa UP.

 

15 kabataang manunulat ang napiling makalahok sa nasabing palihan. Ito ay sina: (Tula) Patrick Noah R. Bautista, Paul Joseph Corpuz Belisario, Harold John C. Fiesta, Colleen S. Gadon, Walther Neil L. Hontiveros, Soleil Erika C. Manzano, Princess F. Marasigan at Christian Tablazon; (Kuwento) Patrick Lawrence Alzona, Jerome T. Co, Mar Anthony Simon Dela Cruz, Sierra Mae Paraan at Romeo Peña; (Dula) Anna Levita T. Macapugay at Marco Antonio Rodas.



Ang mga kasapi sa Kaguruan ng Palihan ay sina: Jesus Manuel Santiago (panauhing guro); Jun Cruz Reyes, Roland Tolentino, Glecy Atienza, Luna Sicat-Cleto, at Romulo P. Baquiran, Jr; at mga direktor ng palihan na sina Jimmuel Naval at Reuel Molina Aguila.

 

 


Posted by palihangRogelioSicat on Apr 25, '09 7:24 AM for everyone
ddd
dThumbnaild
ddd
Ginanap sa Angono Rizal, tahanan nina Mam Gayin Tiamzon Rubin, 2008. Tinawag pang Palihang DfPP.

Posted by palihangRogelioSicat on Apr 25, '09 4:40 AM for everyone
Start:     May 27, '09 06:00a
End:     May 31, '09
Location:      Gaganapin ang palihan sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Nueva Ecija sa 27-31 Mayo 2009 sa Palayan City , Nueva Ecija.
Nakapili na ang Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas (DFPP), UP Diliman ng 15 manunulat na lalahok sa Ikalawang Palihang Rogelio Sicat: DFPP 2009 Pambansang Palihan sa Malikhaing Pagsulat.

Ipinangalan sa iginagalang na manunulat at gurong Rogelio Sicat, tanging palihan ito sa bansa na nakatuon sa paggamit at paglinang ng Pambansang Wika sa malikhaing pagsulat.


Ang mga napili ay sina:


TULA
Patrick Noah R. Bautista, Paul Joseph Corpuz Belisario, Harold John C. Fiesta, Colleen S. Gadon, Walther Neil L. Hontiveros, Soleil Erika C. Manzano, Princess F. Marasigan at Christian Tablazon;

KUWENTO
Patrick Lawrence Alzona, Jerome T. Co, Mar Anthony Simon Dela Cruz, Sierra Mae Paraan at Romeo Peña.

DULA
Anna Levita T. Macapugay at Marco Antonio Rodas.


Ang mga kasapi sa Kaguruan ng Palihan ay sina: Jesus Manuel Santiago (panauhing guro); Jun Cruz Reyes, Roland Tolentino, Glecy Atienza, Luna Sicat-Cleto, at Romulo P. Baquiran, Jr; at mga direktor ng palihan na sina Jimmuel Naval at Reuel Molina Aguila.

Opisyal na Tagapag-ugnay: Erick Dasig Aguilar (0908-7491066) at Babes Alejo (09208818856). Email: palihangrogeliosicat@yahoo.com.ph